Monday, 31 March 2014

Moving on

Moving on is a hard thing to deal with. That is why you need to exert a lot of effort into it. You still love the person, but relationships sometimes just does not work the way we want it to be. As they say, sometimes love is not enough. Truly, love is not enough, since there are a lot of factors involved in a relationship. You can still be friends, but not for the moment. You have to give yourselves space and time away from each other. And when both of you are okay, then that is the time that you can be friends again. :)

Sunday, 23 March 2014

Memorable lines from the film "My Amnesia Girl"


"Sabi sa census, mahigit 11 milyon na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tignan ang traffic light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na?" – Apollo


Apollo: Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Irene: Hindi.
Apollo: (sabay lipat sa kabilang side) E ang second sight? Pwede!


Apollo: Sabi ko na nga ba camera ako e.
Irene: Bakit?
Apollo: Napapangiti kita e.
Irene: Alam mo, baka hindi ka na makauwi.
Apollo: Bakit?
Irene: E kasi nasa isip na kita e.
Apollo: Parang kuto? Lagi kang nasa ulo ko.
Irene: Ihi, ‘yung hindi kita matiis.
Apollo: Alam mo kung bola ka, hindi kita kayang i-shoot.
Irene: Dahil lagi mo ako mami-miss?
Apollo: Para kang tae.
Irene: Huh?
Apollo: Hindi kita kaya paglaruan.


“Thank you, Lord ha. Pandesal lang naman ang hinihingi ko sa inyo. Hamburger binigay niyo, may fries pa!” – Irene


Apollo: Will you marry me?
Irene: (pumunta sa CR para magmumog) Ano nga uli ‘yun?
Apollo: (pumunta sa CR para kumuha ng dental floss at tinalian ang daliri ni Irene) Nung bata ako lagi ako pinapagalitan ng Nanay ko, kasi masyado raw ako makakalimutin. So, ang ginagawa niya, tinatalian niya ng sinulid ‘yung daliri ko, tapos suot ko ‘yun buong araw. Kasi kapag nakikita ko ‘yun, naalala ko’yung sinabi ng Nanay ko. Para maalala mo ngayong araw na ito, tinanong ko kung gusto mo ako pakasalan. Kung gusto mo lang naman.
Irene: (Kinunan ng litrato ang kamay niya kasama si Apollo) Para hindi ko makalimutan ‘yung taong nagpasaya sa akin. Yes! Yes! Yes!


Apollo: Kumusta na, Irene?
Irene: Sino ka? Kilala ba kita? May amnesia kasi ako, wala ako maalala. Naaksidente ako. Pasensiya ka na ha kung hindi kita maalala.


Apollo: May nagawa ba ako?
Irene: Wala. Naalala ko lang kasi ‘yung kwinento sa akin nung kaibigan ko.
Apollo: Tungkol daw saan?
Irene: Ikakasal daw kasi ako dati. Kaya lang iniwan daw ako nung lalake sa altar.
Apollo: Hindi ba sinabi kung sino raw ‘yung lalakeng ‘yun?
Irene: Ewan ko.
Apollo: Walang pangalan?
Irene: Hindi na sinabi sa akin e. Baka mapatay ko lang daw.
Apollo: Kahit pictures wala?
Irene: Wala. Sinunog na raw nila, para wala na raw ako maalala. Grabe ano? Anong klase kayang tao ang gagawa nun? To think, alam niya na ulila ako ha. Antagal-tagal ko pinagdasal na sana may makasama ako habang-buhay. Sabi nila, sobra ko raw saya noong araw ng kasal ko. It  was a bright and sunny day. Everything was so magical. I was a glowing bride to a perfect groom in a perfect wedding. Pero mali pala ako. Pagkatapos daw umalis nung lalake, nagtago lang daw ako sa likod ng altar, tapos doon lang ako umiyak ng umiyak. Hinihila na nga raw ako ni Poch para umuwi, pero sabi ko ‘ayaw ko,’ ayaw ko raw. Doon lang daw ako. Hihintayin ko lang siya. Kasi sabi ko, ‘babalik ‘yun, hindi niya magagawa sakin ‘yun.’ Pero mali na naman ako. Buti na lang naaksidente ako ‘no? Partida na ‘yan ha, nagka-amnesia na ako pero masakit pa rin. Sa tingin mo, bakit kaya? Bakit kaya niya ako iniwan? Sabi mo, masayahin naman ako, sabi mo maganda naman ako, mabait. E bakit iniwan pa rin niya ako?
Apollo: Baka natakot siya.
Irene: Tang-ina naman o! ‘Yun lang?
Apollo: Baka pakiramdam niya, nagmadali siya.
Irene: E tarantado pala siya e. Bakit niya ako niyayang magpakasal?
Apollo: Sigurado marami siyang dahilan. Kahit naman ako, matatakot din ako e.
Irene: Saan?
Apollo: Sa’yo?
Irene: Sa akin? Ano, kasalanan ko pa?
Apollo: Hindi, natatakot siya para sa’yo. Kasi baka mas masaktan ka kung tinuloy niyo ‘yun.
Irene: Bullshit naman ‘yan! Bakit sa tingin niya hindi ako nasasaktan ngayon?
Apollo: Baka ang dami pa niyang tanong noon. Papano kung puro kayo na lang ang mangyari? Kung mawala ‘yung siya lang. Kung umoo siya sa’yo noon, paano kung hindi niya kayaning panindigan?
Irene: Ano, nasagot ba mga tanong niya? Ha? Nasagot ba?
Apollo: Mas hindi pala niya kaya ng nawala ka. Irene, sigurado ako kung nasaan ‘yang tao na ‘yan, nagsisisi na ‘yun na pinakawalan ka niya, na nasaktan ka niya. Pero kung kaharap mo siya ngayon, sigurado ako isang bagay lang ang hihingin nun mula sa’yo. Sana mapatawad mo siya. I’m sorry, naduwag lang ako talaga.


Peachy: Buti nga sa kanya. Buti nga. I’m sure nilalamon na siya ng konsensiya niya ngayon. Buti nasabi mo sa mukha niya kung gaano siya kasama. Dapat nga dinikdik mo pa ‘yun e. He deserves it. Naku, nung sinabi niya sa’yong sorry, naduwag siya, dapat nga sinampal mo ‘yun e. Huy, Irene. Parang ikaw ata dapat ang sinasampal ko ngayon e. Huy.
Irene: (umaapaw na ang tubig sa pinupunong lutuan)
Peachy: Ano ang nababasa ko sa mata mo, Irene? Naku, Irene, umamin ka sa akin. Ano ‘yan? Tumingin ka sa akin. Ano ‘yan?
Irene: Galit!
Peachy: Naku, wrong answer.
Irene: Bakit, ano ba dapat?
Peachy: Dapat wala ka ng pakialam. Kasi the fact na nagagalit ka pa ibig sabihin may pagmamahal pa.
Irene: Wala na. Wala na.
Peachy: Okay.
Irene: Wala na nga. Wala na.


Jan: Alam niyo, sana kotse na lang tayo na pwedeng hugasan ‘yung kasalanan.
Apollo: Iba lang talaga kasi kapag narinig mo mismo doon sa tao. Noon akala ko masamang tao lang ako, aba ay halimaw pa pala ako.
Chibu: Easy ka lang, bro. Self-destruct ka na niyan o.
Ken: Kaya ako, ayaw ko main-love e.
Jan: Kasi naman, ang true love para sa matatapang lang.
Apollo: Kung kaya lang tanggalin ng yakap lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya e, yayakapin ko ‘yun ng matagal hanggang gumaling siya.
Ken: Naku, huwag Pol. Baka ma-overdose.
Apollo: Gusto ko lang siyang makitang masaya uli. Gusto ko sabihin sa kanya na, ‘huwag ka ng umiyak, hindi naman lahat ng tao kagaya ko e.’ Na sana maniwala pa siya na meron pang taong pwedeng magmahal sa kanya na hindi siya iiwan, hindi siya lolokohin, hindi siya paiiyakin kahit kalian.
Chibu: Paano kung hindi ikaw ‘yun?
Apollo: Aray. Pero ako na bahala sa sarili ko. Ang importante naman siya e. Na sana huwag niya isara ‘yung sarili niya sa pagmamahal.


“Alam mo, dalawang bagay lang ang nakakasira sa isang birthday. ‘Yung makasama mo ‘yung taong pinaka-ayaw mo at ‘yung hindi mo makasama ‘yung taong pinaka-gusto mo.” – Peachy


Apollo: Irene, 27 years ng buhay mo nawala nang iwan ka ng lalaking ‘yun. Gusto ko lang ibalik lahat ng kinuha niya.
Irene: Tulad ng?
Apollo: Ngiti mo.


Apollo: Pikit ka.
Irene: Ha?
Apollo: Basta, pikit ka lang. Sabi kasi nila, kapag nakapikit ka raw, doon mo malalaman ‘yung totoong nararamdaman mo. Sana, Irene, ngayong araw, hindi na puro sakit at galit ang laman niyan. Sana may saya na rin.


Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Ha?
Apollo: Dati kasi balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.


Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati nandito ka na sa isip ko, ngayon nandito ka na sa puso ko.


Irene: Alam mo ba na pwede kitang idemanda ng trespassing? Ha? E kasi basta-basta ka na lang pumapasok sa isip ko e!
Apollo: Bumili ka na ng salbabida dali.
Irene: Bakit, magswi-swimming tayo?
Apollo: Hindi, baka kasi malunod ka sa pagmamahal ko.


Apollo: Mahal mo na ako?
Irene: (hinalikan si Apollo at ngumiti)
Apollo: Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin ‘yung araw na nakilala kita. Kahit ilang beses. Kahit paulit-ulit. Kahit tatlong buhay pa. Kung papayagan mo ako. Will you marry me?
Irene: Oo.


Apollo: Naaalala mo na?
Irene: Kahit kailan hindi ko nakalimutan, Apollo. Hindi ako naaksidente. Wala rin ako amnesia. Apollo, kahit kailan hindi kita nakalimutan. I’m sorry. Natakot lang ako. Natakot akong mawala ka. I’m sorry.


Apollo: Sakit pala ng ganun. Hindi ko nakita ‘yun e. Ang inii-expect ko ano e, sampal, sapak, galit. Hindi ‘yun. Alam ko wala akong karapatang magalit, kasi ako ‘yung naunang mang-gago e. Kuha ko ‘yun. Kaya lang, tumatagos naman sa buto. Lungkot. Ang lungkot lang na umabot kami sa ganito.
Jan: Huwag kang umiyak, parang hindi ka lalake e.
Tatay Diego: Hayaan mong umiyak ‘yan. Magandang gamot ‘yan sa sore eyes. May sore eyes ang puso niyan ngayon e, pero kapag nag-hilom ang sugat at nawala ang puwing, e makikita niya ang sagot.
Jan: Sagot po saan?
Tatay Diego: Kung bakit niya binalikan si Irene at kung bakit pakakawalan uli.


Apollo: Sabi sa census, mahigit 11 milyon na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tignan ang traffic light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na?
Client: E, Sir, paano niyo nasiguradong true love niyo nga ‘yun, e pinakawalan niyo nga.
Apollo: Ha?
Client: Nag-try ba kayo ng iba?
Apollo: Ano ‘yun?
Client: O sinasabi niyo lang ‘yan na true love nga ‘yan for sentimental reason. Dahil hindi na siya babalik.
Apollo: Hindi, bumalik siya e. Binalikan ko siya. We had a second chance. I had a second chance. At mas minahal ko siya ngayon.
Client: Sir, you are so lucky.
Apollo: Yeah, yeah.


Peachy: Saan ka pupunta?
Irene: Kay Apollo, mag-sosorry.
Peachy: Baka galit pa ‘yun?
Irene: Okay lang.
Peachy: Kung hindi ka pansinin.
Irene: Okay lang.
Peachy: Kung sapakin ka?
Irene: Ready ang panga ko.
Peachy: Kung hindi niya tanggapin?
Irene: Wala na ako pakialam, gusto ko lang mag-sorry sa kanya. Gusto ko lang makausap siya. Gusto ko lang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya.


Apollo: Nasaan ka?
Irene: Papunta sa’yo.
Apollo: Pupuntahan mo ako?
Irene: Bakit mo ba pupuntahan ang isang tao?
Apollo: Kasi gusto mo?
Irene: Hindi. Kasi mahal mo siya. I’m sorry, Apollo. I’m sorry. I’m sorry.
Apollo: Shhh. Irene, I love you.
Irene: I love you.
Apollo: I love you too.
Irene: I love you too.
Apollo: Huwag kang aalis diyan. Ako ang pupunta sa’yo. Okay? Huwag kang aalis diyan, ha?
Irene: Dito lang ako. Oo, dito lang ako.
Apollo: Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Huwag mong kakalimutan ‘yun.  Magsisimula tayo ulit.


Apollo: Sino ka?
Irene: Ginamit ko na ‘yan e.
Apollo: Sino kayo?


“Alam mo anak, ang amnesia raw sa utak. Kaya kapag nauntog pwedeng makalimot. Pero mas naniniwala ako sa heart memory. Kapag ang puso’y nagmahal, kahit anong untog, hindi ‘yan malilimutan.” – Tatay Diego to Irene


Irene: O ulit tayo ha. Review. Sino na nga ako uli?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Mapapangasawa ko. Isa kang photographer.
Irene: Eehhh. Hindi.
Apollo: Ano?
Irene: Pulis ako.
Apollo: Pulis?
Irene: Kasi ikaw ang most wanted ko e. At ikaw naman pintura. Kasi binigyan mo ng kulay ang buhay ko. O dictionary, kasi you give meaning to my life.


Irene: Kasi nung bata ka pa, lagi kang pinapagalitan ni Mommy mo kasi makakalimutin ka. Suot mo ito para hindi mo makalimutan na simula sa araw na ito, ako naman ang mag-aalaga sa’yo. Ako naman. Saka kahit hindi na bumalik ‘yang memory mo, gagawa tayo ng maraming maraming bago saka masasaya. Hindi kita iiwan, Apollo.


Apollo: Alarm clock ka ba?
Irene: Bakit?
Apollo: Kasi ginising mo ang natutulog kong puso e.
Irene: May lason ba ‘yang mata mo? E kasi nakakamatay ‘yang mga tingin mo e.
Apollo: Alam mo kung cactus ka, okay lang kahit masugatan ako, mayakap lang kita.
Irene: Ay teka, ano na nga blood type mo?
Apollo: Type A. Ikaw?
Irene: Type ko. Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka na lang, para paulit-ulitin mo ‘yan.
Apollo: Bagay sa’yo suot mo ha. Pero mas bagay ako sa’yo.
Irene: Hika ka ba? Kasi you take my breath away.
Apollo: Nasaan ka kagabi?
Irene: Uy, nandito lang ako. Bakit?
Apollo: Ah kaya pala wala ka sa panaginip ko.
Irene: Alam mo kung ulan ka, lupa ako. Sa ayaw at gusto mo sa akin ang bagsak mo.
Apollo: Baka naman ikaw ‘yung bagyo. Ang lakas kasi ng dating mo e.
Irene: Sandali, may MMDA ba dito? E kasi nagkabanggaan ‘yung puso natin.
Apollo: Baka gusto mo kumandidato. Boto na kasi ang Tatay ko e.
Irene: Ice ka ba? Kasi gusto kita i-crush.
Apollo: Alak ka ba? Ang lakas kasi ng tama ko sa’yo e.
Irene: Alam mo, ikaw ba Meralco? Kasi may liwanag ang buhay ko kapag kasama kita.
Apollo: Pwede ba kitang abutin? Ikaw kasi ang pangarap ko e.
Irene: Ibenta niyo na kasi ‘yang bahay niyo. E libre ka naman tumira sa puso ko.
Apollo: Kung gusto mo pwede ka maging driver ko. Para ikaw lang ang magpapatakbo ng buhay ko.
Irene: Ah gusto mo sasakyan. O bakit hindi ka na lang maging magic carpet? Kasi, you took me to a whole new world.
Apollo: May tanong ako sa’yo. Saan mo gusto ikasal? Ako kasi sa tabi mo e.
Irene: Alam mo, ikaw talaga para kang teleserye. E kasi nakakaadik ka subaybayan e.
Apollo: Ikaw naman sine. Ang sarap panoorin.

Tuesday, 25 February 2014

Let us start the year right and save!

This year, let us do our best to save money for our future needs or for our dream vacation or dream gadgets.

I recently found this awesome saving strategy through the internet. Since, the original article is in dollars, I tried to do the same thing using pesos and changed it from 52 weeks to 48 weeks to come up with a one year saving scheme.

This is very simple. You just have to save an increment of P20 per week for a total of 48 weeks and voila! You will have P23,520 in just a year! Just follow the weekly schedule below.

So for those who want to save money, try this very easy step. Remember that discipline is key in saving money.

With this way, you will have a lot of money by the end of 2014! So start now!

Good luck everyone! :)




Saturday, 11 February 2012

Unofficially yours

Disclaimer lang, wala naman itong masyadong kinalaman sa movie ng Star Cinema maliban lamang sa linyang ito: "Kailangan ba ng official status sa isang relasyon?"

Kung iisipin mo nga naman, kailangan nga ba talaga? May iba kasing nagsasabi na hindi naman 'yan kailangan. 'Yung tipong understood naman na e. Bakit pa kailangan lagyan ng opisyal na status? Ok naman na ganito tayo e.

Subalit para sa iilan, importante para sa kanila na magkaroon ng opisyal na status. Hindi lang naman kasi label ang issue, maaari kasi na may nakakabit pa na mga dahilan kung bakit ayaw ng isa na maglagay ng label. At kung bakit importante para sa isa na magkaroon ng opisyal na status.

Maaaring ang isa ay hindi pa handa na pumasok sa isang bagong relasyon. Maaaring kakagaling lamang niya mula sa isang relasyon kung saan nasaktan siya ng sobra-sobra at hindi pa siya handang ibigay ang kanyang kabuuan sa bagong taong nakilala.

Ngunit para naman sa parte ng taong naghihintay na maging buo uli ang kanyang minamahal, napakasakit din nito. Kahit pilit niyang intindihin ito, hindi pa rin niya maiiwasang masaktan. Hindi niya maiiwasang isipin na kahit na masaya silang magkasama, alam niyang hindi pa rin kayang ibigay ng kanyang minamahal ang buo nitong puso. Hindi rin maiiwasan na minsan ay makaramdam siya ng selos na kahit anong gawin niya ay hindi pa rin lubusang mawala sa isipan ng kanyang minamahal ang kanyang nakaraan.

Ngunit wala naman siyang magagawa kung hindi maghintay at umunawa. Maghintay sa panahon na lubusan ng maghilom ang lahat ng sakit na nararamdaman ng kanyang minamahal. Maghintay sa tamang panahon kung saan handa na itong pumasok sa isang bagong relasyon at magsabing "I'm officially yours."

Ang pagkakaroon ng opisyal na status ay hindi lang isang simpleng pagkakaroon ng label. May mas malalim pa itong pakahulugan. Nangangahulugan lamang ito na handa na ang isa na magmahal muli at handa na siyang ibigay ang kanyang buong puso para sa bagong minamahal.



Friday, 6 January 2012

Buhay Undergrad

Nagpunta ako kanina sa aming Tambayan upang makipagkita sa ilang kaibigan na graduate na rin sa Unibersidad. Naroon din ang ilang residenteng miyembro ng aming organisasyon. Bigla ko lang talagang na-miss ang aking buhay undergrad.

Napakasarap talagang maging undergrad. Hindi mo nga lang ito mararamdaman hangga't hindi ka pa grumagraduate. Para kasing napaka-simple pa ng buhay noon, hindi tulad ngayon na mas madami ka ng iniisip. 

Kasama mo pa noon halos araw-araw ang iyong mga kaibigan. Na-miss ko tuloy ang mga kwentuhan at tawanan namin kapag nasa Tambayan at kahit nasa klase kami. Na-miss ko ang paglalaro namin ng bridge at pusoy dos. Na-miss ko ang paglabas namin gabi-gabi upang mag-dinner. Na-miss ko ang mga gabing walang tulugan sa Mcdo. Na-miss ko ang pag-higa at pag-tumbling sa gitna ng University Avenue sa madaling araw. Na-miss ko ang pag-akyat sa Carillon.  At higit sa lahat na-miss ko ang aking mga kaibigan at ang aming organisasyon.

Nang dumating kami kanina ay nakapaglaro ako sa unang pagkakataon ng Monopoly Deal. Kahit hindi pa ako masyadong marunong ay talagang natuwa ako dito. Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagtiyang nagturo sa akin ng laro kanina.  Pagkatapos maglaro ay sumali naman kami ng kapwa kong alumni member sa isang quiz bee na isang parte ng application process ng mga bagong aplikante ng organisasyon. Dahil miyembro ako ng Academic Committee noong residente pa ako, sa grupo na rin nila ako sumali. At sa huli, nanalo rin kami katabla ng isa pang Committee. 

Kung maaari lamang ibalik ang panahon ay gagawin ko upang maranasan muli ang pagiging undergrad. Sa mga kaibigan kong aking namimiss, kita-kita bukas! Hahaha! Nagpapasalamat rin ako ng lubusan sa mga residenteng miyembro na tumanggap sa amin kanina. Maglaro uli tayo! Sa uulitin! :)



Thursday, 5 January 2012

Lakwatserong Bata Part 2

Akala ko noong matapos akong maka-buo ng tatlong gala para sa taong ito ay titigil na ako. Pero hindi pa pala. Nang makita namin ng kaibigan (roommate/kaklase/at marami pang iba...) ko ang promo ng isa na namang airline company ay dali-dali kaming naghanap ng lugar na mapag-gagalaan. Nakita namin ang Naga at nabatid namin na matagal na rin naming binabalak na bumalik roon upang bisitahin uli ang isa naming kaibigan na doon nagtatrabaho at upang makapunta na rin sa Caramoan. 

Abril 1, 2011 pa ang una at huli naming bisita sa kanya. Apat na araw at tatlong gabi rin niya kaming kinupkop sa kanyang boarding house. Nilibot niya kami sa Naga at dinala rin sa Legaspi at sa Camsur Watersports Complex o CWC. Sari-saring pagkaing Bikolano ang natikman namin at napakaraming lugar na bumusog sa aming mga mata. Ito rin ang mga dahilan kung bakit namin gustong bumalik doon at siyempre upang makasama na rin muli ang isang kaibigan na walong buwan na naming hindi nakikita.

Ang travel dates ng promo fare ay mula Pebrero 1 hanggang Marso 31. Naisip ko bigla na sinabi ko na nga pala sa sarili ko na bawal akong bumiyahe hanggang Mayo dahil na rin sa rason na nababggit ko sa kamakailang post ko dito. Subalit naisip ko naman na pwede ko naman i-budget ang aking oras upang makapunta pa rin ako ng Naga. Palusot! Hahaha! Kaya naman hindi na ako nag-dalawang isip na i-book na ang flight na ito.

Ang plano naming petsa ay mula Marso 29 hanggang 31. Sakto, may promo fare pa sa 29! Subalit, wala ng promo fare sa 31! Hindi na ito pwedeng iurong sa Abril 1 dahil wala ng promo fare. Hindi na rin pwedeng iurong sa mas maagang petsa ang aming lakad sapagkat iniisip namin na maaaring marami pa kaming ginagawa sa mga panahon na 'yun at may trabaho rin ang kaibigan namin at baka hindi rin siya makasama sa amin. 

Iminungkahi ng   kaibigan (roommate/kaklase/at marami pang iba...) ko na bakit hindi namin subukan mag-tren. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mahahabang biyahe. Naiinip kasi ako. Pero mukhang magandang ideya din 'yun sapagkat nakakasakay lamang ako ng tren kapag nag-MRT ako, ngunit hindi ko pa talaga nasusubukan ang tren sa malalayong biyahe. Kaya naman ganoon na nga ang napag-planuhan. Eroplano sa Marso 29 papuntang Naga at tren pabalik ng Maynila. Ang kagandahan rin nito ay hindi namin kailangan magmadali sa pag-uwi. Kung naisin man namin na magtagal pa sa Naga ng mga ilang araw ay maaari naming i-adjust ang schedule dahil araw-araw naman ang biyahe ng tren at pareho lang naman ang presyo ng ticket kahit na sa mismong araw ka pa ng biyahe bumili, hindi tulad sa eroplano na nagbabago-bago ang presyo depende sa kung gaano kalapit ito sa araw ng biyahe. 

Hindi muna ako mangangako at magsasabing huling lakad ko na ito para sa taong ito dahil baka hindi ko rin ito mapangatawanan. Masarap kasi talagang mag-biyahe. Kung saan-saan ka makakapunta, ang dami mong makikita at makikilala, ang dami mong matitikmang bagong mga pagkain, at ang dami-dami mong maaaring matutunan.



Tuesday, 3 January 2012

Lakwatserong Bata

Noong Setyembre 2011 pa ng huli akong makapunta sa isang malayong lugar sa Pilipinas. Ang kahulugan ko kasi ng malayo ay kinakailangan pa ng eroplano upang makapunta sa isang destinasyon. Nagpunta kami ng Bacolod noon kasama ng aking pamilya. Ang tagal na rin pala.

Sabi ko kasi sa sarili ko, tama na muna ang gala. Kailangan ko munang matapos ang huli kong requirement sa Unibersidad bago ako makagala muli. Binigyan ko ang sarili ko ng hanggang Mayo upang matapos ang requirement na ito.

Kaya naman noong nagka-promo fare sa isang kumpanya ng airline na ang travel dates ay mula Hunyo hanggang Nobyembre, sabi ko "tamang-tama!" Dali-dali na ako nag-book ng mga lakad.

Nagsimula ito ng isang gabi ay tumawag ang isang kaibigan ko at nagyaya na pumunta sa Puerto Princesa, Palawan. Sabi ko naman, "Oo ba!" Sa Agosto ang lakad na ito at tamang-tama dahil tumapat ang petsa sa kaarawan ng isa kong kaibigan na kasama rin sa lakad. Kasama rito ang pamilya ng isa kong kaibigan at mga kaibigan ko noong nasa UP Pampanga ako. Matagal ko na din kasing planong makapunta sa Puerto Princesa. At sa wakas ay matutupad na rin ito sa Agosto.

Pangalawa kong binook ay ang Calbayog, Samar sa Hunyo. Mag-isa lang ako dito. Matagal ko na kasi talagang pangarap na bumiyahe ng mag-isa. Hindi ko talaga alam kung bakit pero gusto ko lang talaga. Siguro, para makapag-isip-isip at makapag-muni-muni ng mga bagay-bagay. Mahirap kasing magawa ito kapag may mga kasama ka.

Pagkatapos kong binook ang Calbayog, tinext ko naman ang mga kaibigan ko na taga-dorm. Sinuggest ng isa sa kanila na mag-Davao kami at pumunta sa ilang lugar sa Mindanao tulad ng Agusan del Sur, Kidapawan City, at Tagum City. Mahaba-haba ang naging usapan naming apat tungkol sa petsa. At sa huli ay napagdesisyunan na sumama kami sa lakad ng isa naming kasama na may lakad na talaga noon sa Iligan at Cagayan de Oro. Kaya naman ito ay naging isang ultimate Mindanao trip, siyam na araw sa Mindanao! Iniisip ko pa lang ay naeexcite na ako. Makakapunta kami ng Davao, Agusan del Sur, Kidapawan City, Tagum City, Iligan City, at Cagayan de Oro! Ang saya! Sa ilang araw na ito ay kukupkupin kami ng kanilang mga kaibigan. Kaya naman ngayon palang ay lubusan na ako nagpapasalamat sa mga kukupkop sa amin ng mga ilang araw.

Masarap talagang bumiyahe. Excited na talaga ako sa mga lakad na ito. Ilang buwan na lang ang hihintayin. Sa ngayon, ipon-ipon muna dahil siguradong mamumulubi ako pagkatapos ng lahat ng lakad na ito. Hahaha! :)