"Sabi sa census, mahigit 11 milyon na
tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino
sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi
mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng
sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tignan ang traffic
light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao,
may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero
ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano
nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa?
Kahit nasa harap mo na?" – Apollo
Apollo: Naniniwala ka ba sa love at first
sight?
Irene: Hindi.
Apollo: (sabay lipat sa kabilang side) E
ang second sight? Pwede!
Apollo: Sabi ko na nga ba camera ako e.
Irene: Bakit?
Apollo: Napapangiti kita e.
Irene: Alam mo, baka hindi ka na makauwi.
Apollo: Bakit?
Irene: E kasi nasa isip na kita e.
Apollo: Parang kuto? Lagi kang nasa ulo ko.
Irene: Ihi, ‘yung hindi kita matiis.
Apollo: Alam mo kung bola ka, hindi kita
kayang i-shoot.
Irene: Dahil lagi mo ako mami-miss?
Apollo: Para kang tae.
Irene: Huh?
Apollo: Hindi kita kaya paglaruan.
“Thank you, Lord ha. Pandesal lang naman
ang hinihingi ko sa inyo. Hamburger binigay niyo, may fries pa!” – Irene
Apollo: Will you marry me?
Irene: (pumunta sa CR para magmumog) Ano
nga uli ‘yun?
Apollo: (pumunta sa CR para kumuha ng
dental floss at tinalian ang daliri ni Irene) Nung bata ako lagi ako
pinapagalitan ng Nanay ko, kasi masyado raw ako makakalimutin. So, ang ginagawa
niya, tinatalian niya ng sinulid ‘yung daliri ko, tapos suot ko ‘yun buong
araw. Kasi kapag nakikita ko ‘yun, naalala ko’yung sinabi ng Nanay ko. Para
maalala mo ngayong araw na ito, tinanong ko kung gusto mo ako pakasalan. Kung
gusto mo lang naman.
Irene: (Kinunan ng litrato ang kamay niya
kasama si Apollo) Para hindi ko makalimutan ‘yung taong nagpasaya sa akin. Yes!
Yes! Yes!
Apollo: Kumusta na, Irene?
Irene: Sino ka? Kilala ba kita? May
amnesia kasi ako, wala ako maalala. Naaksidente ako. Pasensiya ka na ha kung
hindi kita maalala.
Apollo: May nagawa ba ako?
Irene: Wala. Naalala ko lang kasi ‘yung
kwinento sa akin nung kaibigan ko.
Apollo: Tungkol daw saan?
Irene: Ikakasal daw kasi ako dati. Kaya
lang iniwan daw ako nung lalake sa altar.
Apollo: Hindi ba sinabi kung sino raw
‘yung lalakeng ‘yun?
Irene: Ewan ko.
Apollo: Walang pangalan?
Irene: Hindi na sinabi sa akin e. Baka
mapatay ko lang daw.
Apollo: Kahit pictures wala?
Irene: Wala. Sinunog na raw nila, para
wala na raw ako maalala. Grabe ano? Anong klase kayang tao ang gagawa nun? To
think, alam niya na ulila ako ha. Antagal-tagal ko pinagdasal na sana may
makasama ako habang-buhay. Sabi nila, sobra ko raw saya noong araw ng kasal ko.
It was a bright and sunny day. Everything was so magical. I was a glowing
bride to a perfect groom in a perfect wedding. Pero mali pala ako. Pagkatapos
daw umalis nung lalake, nagtago lang daw ako sa likod ng altar, tapos doon lang
ako umiyak ng umiyak. Hinihila na nga raw ako ni Poch para umuwi, pero sabi ko
‘ayaw ko,’ ayaw ko raw. Doon lang daw ako. Hihintayin ko lang siya. Kasi sabi
ko, ‘babalik ‘yun, hindi niya magagawa sakin ‘yun.’ Pero mali na naman ako.
Buti na lang naaksidente ako ‘no? Partida na ‘yan ha, nagka-amnesia na ako pero
masakit pa rin. Sa tingin mo, bakit kaya? Bakit kaya niya ako iniwan? Sabi mo,
masayahin naman ako, sabi mo maganda naman ako, mabait. E bakit iniwan pa rin
niya ako?
Apollo: Baka natakot siya.
Irene: Tang-ina naman o! ‘Yun lang?
Apollo: Baka pakiramdam niya, nagmadali
siya.
Irene: E tarantado pala siya e. Bakit niya
ako niyayang magpakasal?
Apollo: Sigurado marami siyang dahilan.
Kahit naman ako, matatakot din ako e.
Irene: Saan?
Apollo: Sa’yo?
Irene: Sa akin? Ano, kasalanan ko pa?
Apollo: Hindi, natatakot siya para sa’yo.
Kasi baka mas masaktan ka kung tinuloy niyo ‘yun.
Irene: Bullshit naman ‘yan! Bakit sa
tingin niya hindi ako nasasaktan ngayon?
Apollo: Baka ang dami pa niyang tanong
noon. Papano kung puro kayo na lang ang mangyari? Kung mawala ‘yung siya lang.
Kung umoo siya sa’yo noon, paano kung hindi niya kayaning panindigan?
Irene: Ano, nasagot ba mga tanong niya?
Ha? Nasagot ba?
Apollo: Mas hindi pala niya kaya ng nawala
ka. Irene, sigurado ako kung nasaan ‘yang tao na ‘yan, nagsisisi na ‘yun na
pinakawalan ka niya, na nasaktan ka niya. Pero kung kaharap mo siya ngayon,
sigurado ako isang bagay lang ang hihingin nun mula sa’yo. Sana mapatawad mo
siya. I’m sorry, naduwag lang ako talaga.
Peachy: Buti nga sa kanya. Buti nga. I’m
sure nilalamon na siya ng konsensiya niya ngayon. Buti nasabi mo sa mukha niya
kung gaano siya kasama. Dapat nga dinikdik mo pa ‘yun e. He deserves it. Naku,
nung sinabi niya sa’yong sorry, naduwag siya, dapat nga sinampal mo ‘yun e.
Huy, Irene. Parang ikaw ata dapat ang sinasampal ko ngayon e. Huy.
Irene: (umaapaw na ang tubig sa pinupunong
lutuan)
Peachy: Ano ang nababasa ko sa mata mo,
Irene? Naku, Irene, umamin ka sa akin. Ano ‘yan? Tumingin ka sa akin. Ano ‘yan?
Irene: Galit!
Peachy: Naku, wrong answer.
Irene: Bakit, ano ba dapat?
Peachy: Dapat wala ka ng pakialam. Kasi
the fact na nagagalit ka pa ibig sabihin may pagmamahal pa.
Irene: Wala na. Wala na.
Peachy: Okay.
Irene: Wala na nga. Wala na.
Jan: Alam niyo, sana kotse na lang tayo na
pwedeng hugasan ‘yung kasalanan.
Apollo: Iba lang talaga kasi kapag narinig
mo mismo doon sa tao. Noon akala ko masamang tao lang ako, aba ay halimaw pa
pala ako.
Chibu: Easy ka lang, bro. Self-destruct ka
na niyan o.
Ken: Kaya ako, ayaw ko main-love e.
Jan: Kasi naman, ang true love para sa
matatapang lang.
Apollo: Kung kaya lang tanggalin ng yakap
lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya e, yayakapin ko ‘yun ng matagal hanggang
gumaling siya.
Ken: Naku, huwag Pol. Baka ma-overdose.
Apollo: Gusto ko lang siyang makitang
masaya uli. Gusto ko sabihin sa kanya na, ‘huwag ka ng umiyak, hindi naman
lahat ng tao kagaya ko e.’ Na sana maniwala pa siya na meron pang taong pwedeng
magmahal sa kanya na hindi siya iiwan, hindi siya lolokohin, hindi siya
paiiyakin kahit kalian.
Chibu: Paano kung hindi ikaw ‘yun?
Apollo: Aray. Pero ako na bahala sa sarili
ko. Ang importante naman siya e. Na sana huwag niya isara ‘yung sarili niya sa
pagmamahal.
“Alam mo, dalawang bagay lang ang
nakakasira sa isang birthday. ‘Yung makasama mo ‘yung taong pinaka-ayaw mo at
‘yung hindi mo makasama ‘yung taong pinaka-gusto mo.” – Peachy
Apollo: Irene, 27 years ng buhay mo nawala
nang iwan ka ng lalaking ‘yun. Gusto ko lang ibalik lahat ng kinuha niya.
Irene: Tulad ng?
Apollo: Ngiti mo.
Apollo: Pikit ka.
Irene: Ha?
Apollo: Basta, pikit ka lang. Sabi kasi
nila, kapag nakapikit ka raw, doon mo malalaman ‘yung totoong nararamdaman mo.
Sana, Irene, ngayong araw, hindi na puro sakit at galit ang laman niyan. Sana
may saya na rin.
Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Ha?
Apollo: Dati kasi balikat lang kita,
ngayon nasa isip na kita.
Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati nandito ka na sa isip
ko, ngayon nandito ka na sa puso ko.
Irene: Alam mo ba na pwede kitang idemanda
ng trespassing? Ha? E kasi basta-basta ka na lang pumapasok sa isip ko e!
Apollo: Bumili ka na ng salbabida dali.
Irene: Bakit, magswi-swimming tayo?
Apollo: Hindi, baka kasi malunod ka sa
pagmamahal ko.
Apollo: Mahal mo na ako?
Irene: (hinalikan si Apollo at ngumiti)
Apollo: Kung may uulitin ako sa buhay ko,
gusto kong ulitin ‘yung araw na nakilala kita. Kahit ilang beses. Kahit
paulit-ulit. Kahit tatlong buhay pa. Kung papayagan mo ako. Will you marry me?
Irene: Oo.
Apollo: Naaalala mo na?
Irene: Kahit kailan hindi ko nakalimutan,
Apollo. Hindi ako naaksidente. Wala rin ako amnesia. Apollo, kahit kailan hindi
kita nakalimutan. I’m sorry. Natakot lang ako. Natakot akong mawala ka. I’m
sorry.
Apollo: Sakit pala ng ganun. Hindi ko
nakita ‘yun e. Ang inii-expect ko ano e, sampal, sapak, galit. Hindi ‘yun. Alam
ko wala akong karapatang magalit, kasi ako ‘yung naunang mang-gago e. Kuha ko
‘yun. Kaya lang, tumatagos naman sa buto. Lungkot. Ang lungkot lang na umabot
kami sa ganito.
Jan: Huwag kang umiyak, parang hindi ka
lalake e.
Tatay Diego: Hayaan mong umiyak ‘yan.
Magandang gamot ‘yan sa sore eyes. May sore eyes ang puso niyan ngayon e, pero
kapag nag-hilom ang sugat at nawala ang puwing, e makikita niya ang sagot.
Jan: Sagot po saan?
Tatay Diego: Kung bakit niya binalikan si
Irene at kung bakit pakakawalan uli.
Apollo: Sabi sa census, mahigit 11 milyon
na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung
sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang
hindi mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng
sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tignan ang traffic
light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao,
may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero
ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano
nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa?
Kahit nasa harap mo na?
Client: E, Sir, paano niyo nasiguradong
true love niyo nga ‘yun, e pinakawalan niyo nga.
Apollo: Ha?
Client: Nag-try ba kayo ng iba?
Apollo: Ano ‘yun?
Client: O sinasabi niyo lang ‘yan na true
love nga ‘yan for sentimental reason. Dahil hindi na siya babalik.
Apollo: Hindi, bumalik siya e. Binalikan
ko siya. We had a second chance. I had a second chance. At mas minahal ko siya
ngayon.
Client: Sir, you are so lucky.
Apollo: Yeah, yeah.
Peachy: Saan ka pupunta?
Irene: Kay Apollo, mag-sosorry.
Peachy: Baka galit pa ‘yun?
Irene: Okay lang.
Peachy: Kung hindi ka pansinin.
Irene: Okay lang.
Peachy: Kung sapakin ka?
Irene: Ready ang panga ko.
Peachy: Kung hindi niya tanggapin?
Irene: Wala na ako pakialam, gusto ko lang
mag-sorry sa kanya. Gusto ko lang makausap siya. Gusto ko lang sabihin sa kanya
na mahal na mahal ko pa rin siya.
Apollo: Nasaan ka?
Irene: Papunta sa’yo.
Apollo: Pupuntahan mo ako?
Irene: Bakit mo ba pupuntahan ang isang
tao?
Apollo: Kasi gusto mo?
Irene: Hindi. Kasi mahal mo siya. I’m
sorry, Apollo. I’m sorry. I’m sorry.
Apollo: Shhh. Irene, I love you.
Irene: I love you.
Apollo: I love you too.
Irene: I love you too.
Apollo: Huwag kang aalis diyan. Ako ang
pupunta sa’yo. Okay? Huwag kang aalis diyan, ha?
Irene: Dito lang ako. Oo, dito lang ako.
Apollo: Mahal na mahal na mahal na mahal
na mahal na mahal kita. Huwag mong kakalimutan ‘yun. Magsisimula tayo
ulit.
Apollo: Sino ka?
Irene: Ginamit ko na ‘yan e.
Apollo: Sino kayo?
“Alam mo anak, ang amnesia raw sa utak.
Kaya kapag nauntog pwedeng makalimot. Pero mas naniniwala ako sa heart memory.
Kapag ang puso’y nagmahal, kahit anong untog, hindi ‘yan malilimutan.” – Tatay
Diego to Irene
Irene: O ulit tayo ha. Review. Sino na nga
ako uli?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Mapapangasawa
ko. Isa kang photographer.
Irene: Eehhh. Hindi.
Apollo: Ano?
Irene: Pulis ako.
Apollo: Pulis?
Irene: Kasi ikaw ang most wanted ko e. At
ikaw naman pintura. Kasi binigyan mo ng kulay ang buhay ko. O dictionary, kasi
you give meaning to my life.
Irene: Kasi nung bata ka pa, lagi kang
pinapagalitan ni Mommy mo kasi makakalimutin ka. Suot mo ito para hindi mo
makalimutan na simula sa araw na ito, ako naman ang mag-aalaga sa’yo. Ako
naman. Saka kahit hindi na bumalik ‘yang memory mo, gagawa tayo ng maraming
maraming bago saka masasaya. Hindi kita iiwan, Apollo.
Apollo: Alarm clock ka ba?
Irene: Bakit?
Apollo: Kasi ginising mo ang natutulog
kong puso e.
Irene: May lason ba ‘yang mata mo? E kasi
nakakamatay ‘yang mga tingin mo e.
Apollo: Alam mo kung cactus ka, okay lang
kahit masugatan ako, mayakap lang kita.
Irene: Ay teka, ano na nga blood type mo?
Apollo: Type A. Ikaw?
Irene: Type ko. Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka na lang, para
paulit-ulitin mo ‘yan.
Apollo: Bagay sa’yo suot mo ha. Pero mas
bagay ako sa’yo.
Irene: Hika ka ba? Kasi you take my breath
away.
Apollo: Nasaan ka kagabi?
Irene: Uy, nandito lang ako. Bakit?
Apollo: Ah kaya pala wala ka sa panaginip
ko.
Irene: Alam mo kung ulan ka, lupa ako. Sa
ayaw at gusto mo sa akin ang bagsak mo.
Apollo: Baka naman ikaw ‘yung bagyo. Ang
lakas kasi ng dating mo e.
Irene: Sandali, may MMDA ba dito? E kasi
nagkabanggaan ‘yung puso natin.
Apollo: Baka gusto mo kumandidato. Boto na
kasi ang Tatay ko e.
Irene: Ice ka ba? Kasi gusto kita i-crush.
Apollo: Alak ka ba? Ang lakas kasi ng tama
ko sa’yo e.
Irene: Alam mo, ikaw ba Meralco? Kasi may
liwanag ang buhay ko kapag kasama kita.
Apollo: Pwede ba kitang abutin? Ikaw kasi
ang pangarap ko e.
Irene: Ibenta niyo na kasi ‘yang bahay
niyo. E libre ka naman tumira sa puso ko.
Apollo: Kung gusto mo pwede ka maging
driver ko. Para ikaw lang ang magpapatakbo ng buhay ko.
Irene: Ah gusto mo sasakyan. O bakit hindi
ka na lang maging magic carpet? Kasi, you took me to a whole new world.
Apollo: May tanong ako sa’yo. Saan mo
gusto ikasal? Ako kasi sa tabi mo e.
Irene: Alam mo, ikaw talaga para kang
teleserye. E kasi nakakaadik ka subaybayan e.
Apollo: Ikaw naman sine. Ang sarap
panoorin.
No comments:
Post a Comment