Friday, 6 January 2012

Buhay Undergrad

Nagpunta ako kanina sa aming Tambayan upang makipagkita sa ilang kaibigan na graduate na rin sa Unibersidad. Naroon din ang ilang residenteng miyembro ng aming organisasyon. Bigla ko lang talagang na-miss ang aking buhay undergrad.

Napakasarap talagang maging undergrad. Hindi mo nga lang ito mararamdaman hangga't hindi ka pa grumagraduate. Para kasing napaka-simple pa ng buhay noon, hindi tulad ngayon na mas madami ka ng iniisip. 

Kasama mo pa noon halos araw-araw ang iyong mga kaibigan. Na-miss ko tuloy ang mga kwentuhan at tawanan namin kapag nasa Tambayan at kahit nasa klase kami. Na-miss ko ang paglalaro namin ng bridge at pusoy dos. Na-miss ko ang paglabas namin gabi-gabi upang mag-dinner. Na-miss ko ang mga gabing walang tulugan sa Mcdo. Na-miss ko ang pag-higa at pag-tumbling sa gitna ng University Avenue sa madaling araw. Na-miss ko ang pag-akyat sa Carillon.  At higit sa lahat na-miss ko ang aking mga kaibigan at ang aming organisasyon.

Nang dumating kami kanina ay nakapaglaro ako sa unang pagkakataon ng Monopoly Deal. Kahit hindi pa ako masyadong marunong ay talagang natuwa ako dito. Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagtiyang nagturo sa akin ng laro kanina.  Pagkatapos maglaro ay sumali naman kami ng kapwa kong alumni member sa isang quiz bee na isang parte ng application process ng mga bagong aplikante ng organisasyon. Dahil miyembro ako ng Academic Committee noong residente pa ako, sa grupo na rin nila ako sumali. At sa huli, nanalo rin kami katabla ng isa pang Committee. 

Kung maaari lamang ibalik ang panahon ay gagawin ko upang maranasan muli ang pagiging undergrad. Sa mga kaibigan kong aking namimiss, kita-kita bukas! Hahaha! Nagpapasalamat rin ako ng lubusan sa mga residenteng miyembro na tumanggap sa amin kanina. Maglaro uli tayo! Sa uulitin! :)



No comments:

Post a Comment