Nagpunta ako kanina sa aming Tambayan
upang makipagkita sa ilang kaibigan na graduate na rin sa Unibersidad. Naroon
din ang ilang residenteng miyembro ng aming organisasyon. Bigla ko lang
talagang na-miss ang aking buhay undergrad.
Napakasarap talagang maging undergrad.
Hindi mo nga lang ito mararamdaman hangga't hindi ka pa grumagraduate. Para
kasing napaka-simple pa ng buhay noon, hindi tulad ngayon na mas madami ka ng
iniisip.
Kasama mo pa noon halos araw-araw ang
iyong mga kaibigan. Na-miss ko tuloy ang mga kwentuhan at tawanan namin kapag
nasa Tambayan at kahit nasa klase kami. Na-miss ko ang paglalaro namin ng
bridge at pusoy dos. Na-miss ko ang paglabas namin gabi-gabi upang mag-dinner.
Na-miss ko ang mga gabing walang tulugan sa Mcdo. Na-miss ko ang pag-higa at
pag-tumbling sa gitna ng University Avenue sa madaling araw. Na-miss ko ang
pag-akyat sa Carillon. At higit sa lahat na-miss ko ang aking mga
kaibigan at ang aming organisasyon.
Nang dumating kami kanina ay nakapaglaro
ako sa unang pagkakataon ng Monopoly Deal. Kahit hindi pa ako masyadong
marunong ay talagang natuwa ako dito. Nagpapasalamat talaga ako sa mga
nagtiyang nagturo sa akin ng laro kanina. Pagkatapos maglaro ay sumali
naman kami ng kapwa kong alumni member sa isang quiz bee na isang parte ng
application process ng mga bagong aplikante ng organisasyon. Dahil miyembro ako
ng Academic Committee noong residente pa ako, sa grupo na rin nila ako sumali.
At sa huli, nanalo rin kami katabla ng isa pang Committee.
Kung maaari lamang ibalik ang panahon ay
gagawin ko upang maranasan muli ang pagiging undergrad. Sa mga kaibigan kong
aking namimiss, kita-kita bukas! Hahaha! Nagpapasalamat rin ako ng lubusan
sa mga residenteng miyembro na tumanggap sa amin kanina. Maglaro uli tayo! Sa
uulitin! :)